^

Para Malibang

Babae sa tren biglang nangagat ng pasahero

GRABE NA ‘TO - Pang-masa

Nagkagulo ang lahat ng tao sa tren sa Southwest China nang biglang magwala ang isang ‘di kilalang babae.

Ang mga pulisya sa Chongqing, China ay agad na rumesponde para sa kaligtasan nang lahat.

Hindi na kasi ma-control ang babae na sinasabing may problema sa buhay may-asawa.

Isang lalaki ang nabiktima ng nasabing babae na agad isinugod sa ospital matapos siya nitong kagatin.

Ayon sa inilabas na pahayag ng Chongqing Morning Post, nilapitan nang nagwawalang babae ang lalaking nakaupo lamang sa harap niya habang ang mga tao ay nagsisilayuan na.

Bigla na lamang niyakap ng babae ang lalaki para ‘di na ito makapalag habang kagat-kagat na niya ang leeg nito. Sinubukan naman ng lalaki na kumawala sa kanya at nagtagumpay ito. Ayon sa lalaki, hindi niya kilala ang babaeng ito.

Sa isang video naman na inilabas ng Thepaper.cn, makikita ang babae na nakatayo bago pa niya atakihin ang biktima. Sumisigaw na ito at parang nawawala na talaga sa sarili.

Para raw sinasapian. Pagkatapos niyang kagatin ang biktima, lumuhod siya sa sahig at pinagpupunit naman ang kanyang suot na damit.

Ayon sa isa pang pahayag galing naman sa mismong Chongqing rail transit, ang 36 years old na babaeng ito ay may matinding pinagdaraanan. Hindi na niya kinaya kung kaya’t para itong sinapian.

Isinara muna pansamantala ang nasabing train station dahil sa pangyayari, habang ang mga pulis naman ay patuloy pa rin sa pag-iimbestiga.

vuukle comment

CHONGQING MORNING POST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with