^

Para Malibang

Protektahan ang anak na teenager

Pang-masa

Ang magulang ng mga teenagers ay kailangan ng magandang communication sa ibang parents ng mga anak. Kahit man lang sa first name ay alamin ang pangalan lalo na kung friends ng inyong teenager.

Isang priceless asset na makapag-share ng information sa ibang magulang na makipag-team up para sa pagbibigay ng direction at control sa mga young people. Para kung mayroong social event na hindi nadaluhan at walang alam, maaaring tumawag at magtanong sa isang parent kung anong party o gatherings ang pupuntahan ng teenager sa school. Maaaring mag-inquire kung safe at kung tugma ba sa edad ng anak.

Huwag mag-atubiling magtanong sa ibang parent kung sino ang sponsors, anong activities, sinong kasama, at iba ang detalye ng events. Nakalulungkot na maraming parents ngayon na kinokondisyon ang isipan ng kabataan sa immoral na aspeto, destructive na impluwensiya, at ini-encourage pa ang youth na sumali sa ganitong party.

Kailangan ay alam kung sinong dapat na kontakin bukod sa school, sinong poprotekta sa teenager at sino ang may control sa events. Pakinggan mabuti ang sinasabi ng ibang magulang, magpasalamat kung ito ay nag-extend ng oras na tawagan ka patungkol sa anak. Ito ay good sign na may malasakit ito sa anak.

Huwag mag-akala na laging wholesome ang impluwensiyang nararanasan ng teenager na baka inaa-assume na komo “supervise” ang actitivies. Kundi magdobleng ingat na huwag ma-provoke ang anak na manigarilyo, uminom, mag-drugs, at maakit ng mga sexual na activities. Dapat ay makipagtulungan din sa ibang parents na magkipag-inform kung ano ang ginagawa ng anak upang maprotektahan ang teenager na hindi ma-expose sa maling gawain.

vuukle comment

COMMUNICATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with