^

Para Malibang

Sekreto ng energy sa maghapon

Pang-masa

Kung gustong  makapag-recharge at makabawi sa kakulangan ng tulog, ang pag-idlip ay mabisang paraan, pero dapat ay maging smart sa napping time.

Maaaring umidlip kahit saglit, pero limitahan lamang ito sa 15 – 20 minutes kung posible ay gawin ito sa hapon. Kung on the way papuntang opisina sa umaga ay puwedeng umidlip na samantalahin ang biyahe. Paalalahanan lamang ang driver o konduktor na gisingin ka sa iyong destinasyon.

Kung inaatok naman, pero maaga o malayo pa ang bedtime ay maaari itong labanan. Tumayo at gumawa ng mga activities na magpapagising sa iyo; gaya ng paghuhugas ng pinggan, pagwawalis, makipag-usap sa pamilya, tumawag sa kaibigan, o maghanda ng gamit para sa kinabukasan.

Kapag nagpadala sa antok, tiyak na magigising sa hatinggabi at mahihirapan na bumalik sa tulog. Ganito rin ang problema kapag nakatulog sa biyahe pauwi na sa gabi. Nasisira ang body clock ng routine na hindi agad makatulog na gising pa ang diwa at masigla kahit gabi na. Hanggang maaari ay pilitin o iwasan ang matulog sa sasakyan bilang pasahero kapag pauwi na ng bahay kahit pa nakakatuksong umidlip dahil sa lamig ng aircon at sa tagal ng traffic, pero napapahaba naman ang tulog sa biyahe.

Kung gusto na maging productive, maging mentally sharp, magkaroon ng emotionally balance, at maraming energy sa maghapon, maging wise sa pag-idlip upang ma-optimize rin ang masarap na tulog sa gabi.

vuukle comment

ENERGY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with