^

Para Malibang

Pangalawang Anino (505)

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado - Pang-masa

NAKIUSAP sa anak si Alona. “Yawan, gumanda ka na, ano pa ang gusto mo? Matuto ka namang magpasalamat sa Diyos na mabait.”

“Walang kuwenta ang ganda kung hindi ka talaga gustong ibigin ng taong iniibig mo!”

“Si Arturo ba, Yawan?” Malungkot na nagtanong si Yawanaya.

“Si Nanette pa rin ang mahal niya! Kahit ano ang gawin ko, si Nanette pa rin! Ke pangit ke maganda ako, hindi niya talaga puwedeng mahalin! Ke mabait ke masama ako, ayaw pa rin niya!”

“Hindi lang si Arturo ang importante, Yawan! Ang pamilya mo, ang dala­wa mong anino ... bahagi mo kami! Kahit wala si Arturo, nandidito kami.”

“Paano ang puso ko, Inay? Hirap na hirap na ito ...”

Naawa rin si Alona sa anak. “Naisip mo ba, matutulungan ka rin ng mabait na Diyos diyan. Kaya Niyang burahin sa puso mo si Arturo at hindi ka na mahihirapan pa.”

“Ayokong burahin Niya si Arturo sa puso ko! Ayoko nang ganoong solusyon! Ang gusto ko, turuan niyang mapaibig sa akin si Arturo.”

Natigilan si Alona. Pati ang dalawang anino.

“Kaya siguro hindi pa bumubukas para sa iyo ang mahiwagang kulungan ng bundok na banal, Yawan. Kasi, anak ... maramot pa rin ang puso mo. Makasarili.”

“Paano ninyong nasabi sa akin ‘yan? Nag-iba na nga kayo aking ina! Nagbago kayo at hindi ko nagugustuhan ‘yan!”

“At dapat sumaya ka. Tingnan mo, kung gaano kaganda ang itsura ko, ganoon na rin ang puso ko. Napakaganda mo na, Yawan kaya dapat gawin mo ang lahat para gumanda na rin ang puso mo.”

Pero puno pa rin ng bitterness si Yawan. “Gumanda nga ako pero makakaalis ba ako sa banal na bundok para mapuntahan si Arturo? Kulungan ito, ‘di ba? Kita mo, ayaw mabuksan.”

“Kailangan munang tulungan mo ang sarili mong puso na maging malinis, Yawan.” Malungkot na tumalikod si Alona, sumunod ang dalawang anino.

“Huwag mo akong iwan dito, aking ina! Hanggang hindi ka nakakita ng lunas sa problema ng puso ko, huwag kang lumayo! At kayong dalawa kong anino, hindi ba dapat nasa likuran ko lang kayo? Inuutos ko, bumalik kayo sa likuran ko!”

Patuloy lang na lumayo ang dalawang anino kay Yawan.

Lalong sumigaw nang malakas ang galit na galit na si Yawan. “Inuutos ko, mga anino ko lang kayo, bumalik kayo sa likuran kooo!”  Itutuloy

vuukle comment

PANGALAWANG ANINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with