^

Para Malibang

82 gramo ng droga, nakuha sa loob ng ari ng babae

GRABE NA ‘TO - Pang-masa

Nahaharap ngayon sa felony drug charges ang isang babaeng nagngangalang Desiree Webster, 20, nang mahulihan sila ng kasama niyang notorious drug lord na si Jaral McCollum na tinatayang aabot sa 82 gramo ng droga.

Inaresto ang dalawa noong nakaraang buwan lang.
May nagbigay ng tip sa mga pulis na maaaring magbenta raw ng araw na iyon si McCollum ng cocaine, heroin, marijuana, meth, at iba pang uri ng drugs.

Kung tatangkain daw siyang pigilan ng mga ito, ilalagay na lang daw niya sa loob ng ari ng kasama niyang babae ang mga nasabing drugs para hindi sila mabulilyaso, na agad namang nakontra ng mga pulis.

Samantala, dinala si Webster sa corrections officer at doon siya kinapkapan ng hubo’t hubad. Walang nakita ang officer pero kalaunan din ay mismong si Webster na ang nagsabi na mayroon nga siyang droga sa loob ng kanyang ari.  Nang dalhin na si Webster sa ospital para sa CT scan, nakitaan siya sa kanyang pelvic area ng isang plastic bag na kasing laki ng kamao ng isang tao.

Ayon sa doktor na nag-opera kay Webster, kung hindi raw ito natanggal agad at nagkataong sumabog sa loob niya ang mga nasabing droga, maaari siyang mamatay.
Nakuha mula sa loob ng ari ni Webster ang mga uri ng drogang may bilang na 36.67 grams ng cocaine, 14.72 grams ng meth, 27.80 grams ng synthetic weed, anim na MDMA o (Ecstasy) pills at 1.26 grams of marijuana.

Kinasuhan si Webster ng six felony drug counts, kasama na ang two counts of THC possession, possession with intent to deliver cocaine at possession with intent to deliver meth, habang si McCollum naman ay may four felony counts, kasama na ang possession with intent to deliver cocaine, possession with intent to deliver meth at possession with intent to deliver synthetic cannabinoids

vuukle comment

DRUG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with