^

Para Malibang

Pangalawang Anino (500)

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado - Pang-masa

SAMA-SAMA na sina Alona, unang anino na si Angelika at ang pangalawang anino na si Yawanaya.

“Masaya kami rito sa bundok na banal, Nanette! Salamat sa paglagay sa amin dito!” Tapat na mga salita ni Alona.

“Aling Alona, magpatuloy sana kayo ma­ging masaya sa bundok na banal. Nasa puso na ninyo ang kabutihan. Kapag nagising si Yawan, kumpleto na kayo.” Masayang sagot ni Nanette.

“At tingnan mo siya, Nanette! Tingnan mo! Ang ganda na niya! Malapit na malapit nang mabuo ang kanyang mukha!” Mangiyak-ngiyak na itinuro ni Alona si Yawan na natutulog pa rin nang buong payapa sa loob ng kulungan sa bundok na banal.

“Magpatuloy lang ho kayo sa pagtitiwala sa Diyos, Aling Alona.”

“Arturo, paggising ni Yawan ay tiyak na napakaganda na rin niya. Hindi na siya maghihinanakit tungkol sa pag-ibig.”

“Wala naman ho tala­gang dapat ipaghihinanakit si Yawan sa pag-ibig,  Aling Alona. Malaya ho ang mga puso. Kapag parehong umiibig, wala hong hahadlang.”

Seryosong sagot ni Arturo.

“Kapag nagising si Yawan at magtatanong tungkol sa iyo, sasabihin namin ni Yawanaya na isa ka sa mga naghatid sa kanya dito.”

“Salamat ho, Aling Alona. At pakisabi na rin ho na dadalaw pa rin naman ako uli sa bundok na banal. Sana nga ho isama uli ako ni Nanette.”

“Lagi kang welcome dito, Arturo!”

“Hayaan ninyo, Aling Alona, lagi rin ho akong dadalaw dito at lagi kong isasama si Arturo. Isa na rin ho siyang malapit na kaibigan ninyo.”

“Salamat, Nanette! Ito na ang buhay ko, kumpletong pamilya. Hindi man lubusang kumpleto dahil wala si Roger ... maligaya pa rin ako. Dahil nagbalik naman siya sa tunay na may karapatan sa kanya. Ang tunay niyang asawa na si Sheila. Na iyong ina.”

“Salamat naman ho at nirerespeto na ninyo ang kanilang kasal. Kaya ho alam ko na patuloy na talagang gaganda ang inyong buhay.” Nabunutan na talaga ng tinik sa dibdib si Nanette dahil ang mga magulang ay ayos na.

At si Alona ay hindi na isang banta sa pagsasama ng kanyang Inay at Itay.

ANG prinsepe ng kadiliman ay nagising sa loob ng bahay sa gubat ng Itom.

“A-ano’ng nangyari?”

“Nakakahiya ang nangyari, anak! Tao lang napatumba ka.”

Itutuloy

vuukle comment

PANGALAWANG ANINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with