^

Para Malibang

Pangalawang Anino (498)

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado - Pang-masa

NASA gitna si Nanette, hawak niya sa magkabilang-kamay sina Arturo at Angelika, nasa ulap sila, papuntang bundok na banal.

Si Ariel ay iniwan na muna nila sa kumbento.

Parang tulala pa rin ito.

“Bakit ninyo ako dadalhin sa bundok na banal, Nanette?”

“Para hindi ka makuha ng prinsepe ng kadiliman, Angelika.”

“Pero ... ano ba kasi ang ginawa ko. Nakuha na ba niya ako?”

“Muntik na. Pero tiyak na wala kang maaalala. Ang isip mo ay hina­wakan niya at kinontrol, Angelika.”

Namangha si Angelika habang nasa ulap, napatingin sa ibaba. “Ang ganda pala pag papunta sa bundok na banal. Lumilipad tayo. Para tayong nasa eroplano. Makapangyarihan ka talaga, Nanette.”

“Pinahihiram lang ako ng Diyos, Angelika. Dahil agresibo ngayon ang mga demonyo kaya kailangan ng Diyos ng warrior dito sa lupa.”

“Noong una akong dinala ni Nanette sa bundok na banal, tulad mo rin akong namangha, Angelika.” Sabi ni Arturo.

“Pero bakit natin hindi kasama si Ariel? Nasaan ba siya?”

Sabay na napailing sina Nanette at Arturo..

“Wala siyang maalala sa nangyari, Nanette.”

“Inaasahan ko na ‘yan, Arturo. Dahil noong nagpakita siya ng kasamaan, hindi niya kagustuhan iyon. Hindi pa niya kagagawan. Mind control lang ng prinsepe ng kadiliman ang nangyari.”

“Natatakot ako, Nanette. May ginawa ba akong kasamaan? May nasaktan ba ako? Si Ariel ba sinaktan ko? Teka, sa simbahan, may nagawa ba akong kalapastanganan?Bakit parang sinasabi ng isip ko na meron?”

“Pagdating natin sa bundok na banal, ikukuwento namin sa iyo ang lahat, Angelika. Pero huwag kang mag-alala, hindi mo naman sinaktan si Ariel. Ang prinsepe ng kasamaan ang nanakit kay Ariel.”

“Pinahatid muna namin siya sa simbahan, isang sagradong katoliko ang nagmagandang-loob na ihahatid si Ariel.” Dugtong ni Arturo.

“S-sana wala akong sinaktan. Sana wala akong ginawang mali kahit kanino. Saka sa simbahan.”

Nagkatinginan na lamang sina Nanette at Arturo. Hindi pa nila kayang sabihin sa unang anino na nilapastangan nito ang simbahan, ang altar.

At binastos si Father.

Nakakulong ngayon ang pari dahil sa ginawa ni Angelika. Itutuloy

vuukle comment

PANGALAWANG ANINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with