^

Para Malibang

Nagda-diet ka ba?

Pang-masa

Madaming paraan ng pagda-diet para maka­bawas ng timbang.

Lahat ay epektib depende sa iyong will power. Kapag nagda-diet, pakiramdam mo ay lagi kang gutom at unsatisfied.

Kung mahina ang iyong determinasyon, ma­tatalo ka ng iyong gutom at susukuan ang pagda-diet. 

Narito ang mga sikat at epektib na diets ayon  sa mga experts.

Atkins diet - Ang Atkins diet, o Atkins nutritional approach,  ay naka-focus sa pagko-control ng levels ng insulin sa ka­tawan sa pamamagitan ng low-carbohydrate diet.

Kapag kumakain ng maraming refined carbohydrates, ang insulin levels ay mabilis na tumataas at bumababa.

Kapag tumataas ang level ng insulin, nagiging sanhi ito para mag-imbak ang katawan ng energy mula sa pagkaing kinakain kaya bumababa ang tsansa na gamitin ng katawan ang stored fat bilang source of energy.

Dahil dito, ang mga nag-a-Atkins diet ay umiiwas sa carbohydrates ngunit naka-unli sa protein at fat.

Bagama’t sikat ang Atkins Diet  na pinasikat ni Dr. Robert Atkins na sumulat ng best-selling book tungkol sa diet na ito noong 1972, ikinokonsidera itong unhealthy at binatikos ng mga mainstream health authorities  dahil sa mataas na saturated fat content.

Nagkaroon ng mara­ming study sa diet na ito at nakitang mabisa nga ito sa pagbabawas ng timbang  at nakatutulong sa improvement sa blood sugar, HDL (“good” cholesterol), triglycerides at iba pa 

Kaya effective ang low-carb diets para sa weight loss dahil binabawasan ang carbohydrate intake at kumakain ng maraming protein na nakapagpapababa ng appetite kaya mas kaunti na lang ang intake ng calories.

vuukle comment

DIET

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with