^

Para Malibang

Pangalawang Anino (494)

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado - Pang-masa

PATULOY sa masaya at magandang buhay sa bundok na banal sina Alona at pangalawang anino.

Kapag sumisilip na ang bagong araw halos sabay nang gumigising ang dalawa.

Pakiramdam ay presko at well-rested sila.

At inspired sa mga huni ng ibon at sa sobrang bango ng mga bulaklak sa paligid.

“Gagawa na ako ng ating kape, Inay!” Sasabihin ni Yawanaya.

“At ako naman, anak, gagawa ng banana bread!”

“Inay, ano ba talaga ang milagro at nakakagawa kayo ng banana bread?”

“Milagro? Resourcefulness ang tawag doon, Yawanaya. May mga tanim dito na oats! Malalaki, malulusog!”

“Iyon ang inyong binabayo at ginagawang flour o arina?”

“Yes! Mahirap pero kayang-kaya. Saka wala naman akong ibang ginagawa dito sa bundok na banal kaya may time ako para magbayo ng whole wheat na flour!”

“Bilib na talaga ako sa iyo, Inay!”

“Natuto lang ako sa isang puno ng inspirasyon na lugar na ito, Yawanaya. Ang bundok na banal ay hindi lamang maganda at puno ng katahimikan. Sagana rin ito sa lahat ng klaseng natural na pagkain. Kung gusto mo ng mga ulam, kumuha ka ng mga matatabang isda sa batis. Kung gusto mo ng mga matatamis na natural, umakyat ka sa mga puno at manguha ng mga mangga, avocado, matamis na santol … at iba pa at lahat na!”

“Mabunga na ngayon ang mga papaya, Inay … papaya naman ang iha-harvest ko at kakainin natin.”

“Sige, anak!   Pambihira, kitang-kita ko na enjoy ka talaga dito!”

“Pero lalo po akong mag-i-enjoy kapag nagi­sing na si Yawan at dalawa na kaming mangungulit sa inyo.”

“In God’s time, pa­ngalawang anino, mangyayari ‘yan.”

Napatingin na naman ang pangalawang anino kay Yawan na this time, unti-unti nang pinagdidikit ang mga pingas-pingas sa buong mukha.

“Malapit na malapit na talaga siyang gumanda. Niri-restore ang talagang itsura niya!|

“Halika, magdasal muna tayo. Kasi iyan lang naman ang gusto ng Diyos na ibayad natin sa kanya.”

Aktibo ngang nagdasal si Yawanaya, sumasabay si Alona. At lalo pang tuming­kad ang kulay puting liwanag na nakatutok sa mukha ni Nanette.  - ITUTULOY

 

           

            

 

vuukle comment

PANGALAWANG ANINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with