^

Para Malibang

Pangalawang Anino (490)

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado - Pang-masa

SI FATHER ay dinala na ng mga pulis sa presinto, para na ring inaresto ang pari.

Si Angela ay nagtatago sa isang corner ng simbahan, hindi pa tapos sa kanyang masamang misyon.

“Ano kaya kung sunugin ko ang simbahan, mas matutuwa siguro sa akin ang prinsepe.” Nakangisi pa ang unang anino.

Si Nanette ang unang nakatunog at kinutuban. Tinawagan kaagad si Arturo at si Ariel.

Nagkita sila sa isang kanto.

“May kutob akong nagbalik siya sa kumbento, sa simbahan.”

“Puntahan na natin!”

“Magtaksi na tayo!”

Nagmadaling makasakay ang tatlo.

Palapit na sila sa simbahan nang may naaamoy silang gas.

“Ano kayang …”

“Halikayo. Sa loob ng simbahan nanggagaling ang amoy ng gas!”

Takbo na ang tatlo at kitang-kita nila ang unang anino na nagbubuhos ng gas sa altar.

“Angela!”

Nang makita ni Angela ang tatlo, kinuha niya kaagad ang posporo para sindihan ang altar.

Pero makapangyarihan si Nanette, nagawa niyang patayin ang posporo sa utos ng kanyang isip na may kasamang dasal.

Nagsindi na naman si Angela pero muling namatay. Hanggang sa nilapitan na siya nina Ariel at Arturo.

Agad nilang pinigilan si Angela.

“Susunugin mo ang altar, Angela? Bakit? Ano ba’ng nangyayari sa iyo?”

“Bitiwan ninyo ako! Dapat lang masunog ang altar na ‘yan dahil hindi naman ‘yan totoo, e! Ang Diyos na nandidiyan sa altar ay fake!Fake!”

“Nababaliw ka na ba, Angela?” Hindi makapaniwala si Ariel.

“Hindi! Alam ko lang ngayon kung ano talaga ang totoo!Lahat na sinabi ng aking prinsepe ay totoo! Lahat na pinaniwalaan ko noon tungkol sa inyong Diyos ay kalokohan!”

Hinawakan ni Nanette ang noo ni Angela at dinadasalan. Patuloy naman na pinipigilan nina Ariel at Arturo ang unang anino.

Kumakalma si Angela, patuloy sa pagdadasal si Nanette habang nakahawak sa noo ng unang anino.

Itutuloy

 

vuukle comment

PANGALAWANG ANINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with