^

Para Malibang

Pangalawang Anino (486)

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado - Pang-masa

NANG humarap sa kanya ang prinsepe ng kadiliman, ang nararam­daman ni Angela ay paghanga.

Sa kakisigan nito.

At ang nasa isip niya, lahat na sasabihin nito ay papaniwalaan niya.

Lahat na iuutos, gagawin niya.

Gusto niyang laging ma-please ang lalaking ito. Alam naman niya na noong dinala siya nito sa Itom ay nagalit siya.

Natakot.

Walang tiwala at ang gusto niya ay makalayo kaagad sa lalaking ito. Dahil ito ay anak ng hari ng mga demonyo.

Pero kanina iyon. Ibang-iba na ang nararamdaman niya ngayon.

Nang magising siya matapos siya nitong halikan ay puro pagsuko na lamang sa karisma at pagkatao ng lalaking ito ang kanyang nararamdaman.

“Aking prinsepe ...”

“Sigurado ka bang hindi ka mag-iinarte? Hindi ka na matatakot, magagalit ...”

“Patawarin mo ako sa mga ginawa ko kanina. Hindi ko alam kung bakit ako nagkaganoon.”

“Puwes, ano ang gagawin mo para makabawi ka sa mga kaartehang ‘yon?”

“Kayo po ang magsabi kung ano ang gusto ninyong gawin ko para matuwa kayo sa akin matapos ko kayo balewalain.”

 “Hindi lang bale-wala iyon, binastos mo ako!”

Tarantang yumukod si Angela sa prinsepe ng kadiliman. “Sana ay mapatawad mo ako. Ipagawa ninyo sa akin kahit ano, gagawin ko. Mapatawad mo lang.”

“Pumunta ka sa inyong simbahan!”

“Aking prinsepe ... pababalikin ninyo ako doon? Hindi ba kasalanan sa inyo ‘yon?”

“Hindi kita pinapapunta doon para maglinis o mag-alay ng ano-ano!”

“Kung ganoon ano po ang gagawin ko?”

“Kumuha ka ng mga bato, batuhin mo ang mga sagradong bagay doon! Kumuha ka ng tubig-putik, itapon mo sa marmol nila doon! Kumuha ka ng mga basura, ikalat mo sa buong paligid!”

Ngumiti lang si Angela.

Ni hindi nabigla. Gustung-gusto ang ipinapagawa sa kanya ng prinsepe. Dahil lahat ng sasabihin nito ay kaligayahan niya kapag kanyang sinunod.

Itutuloy

 

vuukle comment

PANGALAWANG ANINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with