^

Para Malibang

Pangalawang Anino (484)

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado - Pang-masa

NAKAHARANG na ang prinsepe ng kadiliman sa daan ni Angelika.

Napaurong ang ­unang anino.

Pumihit at tumakbo sa ibang direksiyon.

Pero sa isang iglap nasa dadaanan na naman niya ang prinsepeng masama.

Tumapang si Angela. Itinulak ang prinsepe. Pinagsusuntok.

Pero napakalakas ng anak ng dilim. Hinawakan agad sa dalawang braso ang unang anino.

At ipinilit ang kanyang halik.

Halik na magpapabago kay Angela.

Hinimatay si Angela matapos halikan ng prinsepe ng kadiliman sa mga labi.

Hinayaan man lang ito ng prinsepe na malugmok sa lupa. Inuna ang pagdura.

“Pwe! Nakakadiri ring humalik sa isang anino!”

“Pero natutuwa ako at marunong kang sumunod sa utos ko, Prinsepe.” Narinig niya ang pagsasalita ng hari ng dilim.

“Paano na ngayon ito? Magtatagal bang walang malay?”

“Oo. Dahil habang wala siyang malay ang kamandag ng halik mo ay kumakalat na sa kanyang katawan. Paggising niya, sunud-sunuran na ‘yan sa iyo. Gagawin na ang lahat na ipapagawa mo.”

“Sunud-sunuran o addict?”

“Pareho na rin ‘yon!”

“Ayokong parang pandikit ‘yan na kapag kumakapit ay di maaalis! May sarili akong buhay!” Nainis lalo ang prinsepe.

“Ano’ng sarili mong buhay? Ang bumuntot sa babaing banal? Sa ating kalaban?”

“Aking ama, bakit pa ako naging prinsepe kung hindi ako masaya? Kundi inaalipin mo sa mga ayaw kong gawin?”

“Saka ka na maghanap ng ganyang pribilihiyo kung panalo na tayo sa timbangan ng balanse ng buhay na walang hanggan. Sa ngayon, bagsak na bagsak tayo that’s why I’m counting on you!”

“Really! Fucking life!”

“Dalhin mo na siya sa lugar mo.”

“Sa aking condo unit?”

“Yes. Dahil kaila­ngang tutukan mo ‘yan. Ikaw ang magtuturo sa kanya ng iba-ibang klaseng tricks ng kasamaan. In short, alipin mo siya!” Itutuloy

vuukle comment

PANGALAWANG ANINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with