^

Para Malibang

Pangalawang Anino (483)

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado - Pang-masa

NAGALIT ang prinsepe ng kadiliman. “Aba, anino ka lang, matigas ang ulo mo!”

“Kahit anino lang, kung mabuti, may ha­laga!”

“Dati kang walang pagkatao, anino ka lang ni Yawan!”

“Pero nagkaroon ng pagkatao at gusto kong isipin na kagustuhan ng mabuting Diyos!”

“Ang aking ama ang gumawa sa iyo kaya nga hindi ka ordinaryong anino!”

“Pero namulat ako sa kabutihan! Hindi ako sumunod kina Yawan at Yawanaya!”

“Pagod na ako sa kasasatsat mo! Walang halaga sa akin ang argumento mo! Kaya yumukod ka na!”

“Hindi!” At tatakbo na sana si Angela.

Pero nahawakan siya ng prinsepe ng kadiliman. “Hindi ako papayag na masisira ang record ko sa aking ama dahil lamang sa iyo!”

Tumapang si Angela.

Itinulak ang prinsepe.

Bumagsak itong paupo sa lupa.

Saka nakatakbo na si Angela.

Dumagundong ang boses ng hari ng kadiliman, galit. “Ano, anino lang ni Yawan hindi mo kaya?”

“Patuwad ko siyang ibibigay sa iyo, hintay ka lang!”

“Ayokong ang ibibigay mo sa akin ay lumalaban! Alam mo naman kung paano mo siya madala sa akin na mabait, sunud-sunuran!”

“Ang halikan siya? No way!”

“Kung napaamo mo noon si Yawan dapat mapaamo mo rin ang aninong ‘yan!”

“Mapapaamo ko nang hindi na ako kailangang manghalik pa! Dati pingas-pingas na si Yawan ngayon naman anino! Never again!”

“At sino lang ang gusto mong halikan? Ang babaing banal na si Nanette? Sa kanya ka dapat mandiri dahil sa ating mga mata ang papangit ng mga taong sumasamba sa kabilang panig!”

“Wala na nga sigurong bisa ang inyong kapangyarihan dahil pati anak ninyo ay hindi na tinatablan. If you are still powerful de dapat nandidiri ako kay Nanette at wala akong problemang halikan o kahit ano pang gawin ko kina Yawan at Angela!”

Takbo pa rin si Angela, akala nakalayo na siya. Pero bigla na lamang humarang sa daan niya ang prinsepe ng kadiliman. Handa na itong halikan siya dahil kailangang sumunod sa ama. Itutuloy

vuukle comment

PANGALAWANG ANINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with