Tama ba ang ginagawa mo?
Ang pakikipagsex ay napaka-intimate kaya kailangan nating maging malinis pagdating sa bagay na ito.
Hanggang ngayon, madami pa rin tayong ginagawa sa pakikipag-sex. May ilang hygienic tips na dapat tandaan para makaiwas sa sexually transmited Diseases (STDs) at sexually transmited infections (STIs).
Pag-usapan natin ngayon ang pagpapa-test para sa STI.
Siyempre, lahat tayo naniniwala na wala tayong STI at hindi tayo magkaka-STI. Pero lahat tayo ay may panganib na magkaroon ng STI.
Kaya importanteng magpa-check para sa STI para sigurado. Hindi lamang ikaw ang magpa-check dapat pati ang partner mo ay magpa-test din.
Karamihan naman sa mga STI ay nagagamot pero mas maganda kung madidiskubre agad ang sakit para hindi maapektuhan ang reproductive organs. (END)
- Latest