Tama ba ang ginagawa mo? (5)
Ang pakikipagsex ay napaka-intimate kaya kailangan nating maging malinis pagdating sa bagay na ito. Hanggang ngayon, madami pa rin tayong ginagawa sa pakikipag-sex.
Narito ang ilang hygienic tips na dapat tandaan sa pakikipag-sex ayon sa sa www.bustle.com. Pag-usapan natin ngayon ang pag-uulit sa paggamit ng condom.
Mahirap maintindihan, pero mayroon iba na inuulit ang paggamit ng condom.
Ang problema sa pag-uulit ng paggamit ng condom ay maaaring mayroon na itong fluids (precum) na maaaring infected at makahawa.
Isa pa, mahirap na rin gamitin ang gamit nang condom kasi naka-unroll na ito at mahihirapan nang isuot sa penis.
Maaari pa itong magkabutas o mapunit. Dahil iba na ang porma, maaari ring magkaroon ng leakage. (ITUTULOY)
- Latest