Panganib tuwing tag-ulan
Maraming panganib tuwing tag-ulan. Narito ang mga dapat tandaan tuwing umuulan. Tuwing umuulan, asahan ang pagbaha, flashfloods, at landslides.
Sa Manila, konting ulan lang baha na. Sa bulubunduking lugar, may panganib ng land slides. Sa mga lugar na malapit sa ilog, may panganib ng flashflood. Para safe, tandaan ang mga sumusunod.
*Maging alerto sa pagtaas ng tubig baha.
*Gumamit ng kalendaryong may talaan ng high tide at low tide. Siguraduhing flood-proof/ landslide proof ang bahay. Maghanda ng emergency flood kit.
*Maghanda ng tubig, emergency food, at gamot.
*Maghanda ng flashlight, extra batteries, kandila, at posporo na madaling kunin. Itaas ang mga gamit na ‘di dapat mabasa.
*Siguraduhing may mapupuntahan kung sakaling kailangang lumikas.
*Maghanda ng alcohol.
*Maghugas/maligo kung ikaw ay lumusong sa baha. Iwasang maglakad sa kalye dahil sa panganib sa pagkakahulog sa manhole, butas, at iba pa. Isipin lagi ang safety. Huwag makipagsapalaran.
*Maging alerto sa inyong paligid sa anumang panganib.
- Latest