^

Para Malibang

Gumby the hound dog

HAYUP SA GALING - Pang-masa

Maraming animal shelter sa Amerika na naglalayong bigyan ng bagong pamilya at tahanan ang mga hayop na kanilang nare-rescue.

Ang iba kasing naghahanap ng alaga ay mas gustong manggaling sa animal shelter ang aalagaan para mas matutukan nila ito lalo’t ang iba sa kanila ay mga inabuso ng dati nilang amo. Ang iba naman ay ginawa na rin itong adbokasiya. Mas gusto nilang mag-adopt kesa bumili ng mga hayop. Doon ay mas nabibigyan ng sapat na atensyon ang mga hayop na pinagkaitan noon ng pagmamahal.

Pero kakaiba ang kwento ng isang 7-year-old Hound dog na si Gumby. Labing-isang beses na kasi ito tumakas sa mga nag-aampon sa kanya.

Ayon sa Charleston Animal Society na siyang nanga­ngalaga kay Gumby, sa tuwing tumatakas ito ay bumabalik ang aso sa labas ng kanilang opisina na tila ba may ibig sabihin.

Sa tuwing bumabalik din ito ay lagi pa rin nila itong pinapaampon dahil marami ang nagkakagusto sa cute niyang hitsura at sa maamong pag-uugali.

Huli na nang maisip nila na baka kaya laging tumatakas si Gumby sa bago nitong pamilya ay dahil ayaw niyang umalis sa Charleston Animal Society.

Ngayon nga ay hindi na pinapaampon si Gumpy dahil masaya na ito sa bago niyang pamilya sa animal shelter.

vuukle comment

DOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with