Pagbabago sa vagina
Sa ayaw at gusto natin, magkakaroon ng pagbabago sa ating katawan at puwedeng mapabilis ang proseso nito depende sa iyong diet at lifestyle.
Kabilang sa magkakaroon ng pagbabago ang vagina lalo na kapag nagkakaedad na kaya kailangan itong pangalagaan.
Talakayin naman natin ngayon ang paggamit ng alternatives sa sanitary napkin.
Karamihan ngayon sa mga babae ay sanay nang gumamit ng napkins. Ang iba ay gumagamit ng tampons.
Base sa pag-aaral na ginawa sa Harvard University sa U.S., matagal nang biodegrade ang mga feminine hygiene products na itinatapon dahil mayroon itong plastic. Hindi ito maganda para sa environment.
Iminumungkahi ang paggamit ng mga biodegradable products at mga reusable menstrual cups.
Inirerekomenda ang paggamit ng mga pasador, menstrual/period panties, at menstrual cups upang makatulong sa kalikasan at para na rin makaiwas sa irritation. (Itutuloy)
- Latest