Apo pinagsusungitan ni Lola
Dear Vanezza,
Ramdam ko na hindi ako ang paboritong apo dahil naging pasaway ako. Pero hindi ibig sabihin ay hindi na ako puwedeng magbago. Nakatatak na sa isip ng lola ko ang mga kapalpakan ko. Gusto pa naman ni mama na mag-stay ako sa lola ko kapag Linggo. Ayaw kong sumama dahil sinusungitan lang ako ni lola kapag wala si mama. Paano ko ba matatanggihan si mama na isama ako sa lola ko? – AJ
Dear AJ,
Ipaliwanag sa iyong mama ang iyong karanasan sa lola mo, para maintindihan niya ang iyong nararamdaman. Para bilang magulang mo ay makagawa siya ng paraan upang mailapit ka muli sa lola mo at magkaroon ng pabor sa matanda.
Sumasainyo,
Vanezza
- Latest