#Royal Family
Milyong tao sa buong mundo ang tumutok sa kasalan nina Prince Harry at Ms. Meghan Markle sa traditional English route kasama ang mga bata ang nagsilbing bridesmaids, page boys, buong royal family, at mga guest sa Windsor sa St. George’s Chapel.
Si Meghan ay 36-year-old na ang tunay na pangalan ay Rachel na nakilala sa legal drama TV series Suits bilang Rachel Zane. Ang full name nito ay Rachel Meghan Markle. Naging “briefcase girl” si Meghan sa gameshow na Deal or No Deal ayon sa Independent News. Si Meghan ay fifth counsin ng famous playwright Shakespeare, pero mas malapit na kamag-anak ito ni William Churchill ayon sa MyHeritage.com. Nagturo si Markle ng calligraphy, gift-wrapping, book binding sa Paper Source store sa Beverly Hills noong 2004-2005 na naging freelance calligrapher. Ngayon ay bahagi na si Meghan ng royal family na tanggap ng buong angkan ni Prince Harry ang mga pagbabagong hatid ng kanyang misis.
- Latest