Pangalawang Anino (444)
NAGTAKA na naman si Yawanaya. “Ano’ng kinalaman ng mga huni ng ibon at mga ingay ng hayop para bumait ako?”
“Mga creations ni God ang mga ‘yan. At sabi nga nila, ang lahat daw na hayop ay mahal na mahal din ng Diyos. At diretso sila sa langit.”
“Sila lang pala. Eh, bakit pati ako iniisip ninyong maaapektuhan ng maganda sa mga huni at ingay nila?”
“Kumbaga, pampa-mood sila para maramdaman mo ang kabaitan, pagmamahal. At doon magsisimula ang lahat.”
“Ayoko.”
“Sige na, Yawanaya. Subukan mo lang. Tingnan mo nga ako, o. Ayaw mo bang maging ganito? Malayang-malaya!”
Nag-isip siYawanaya.
“Sige na nga. Susubukan ko.”
“Pakinggan mo muna ang mga huni ng mga ibon. Kasi, para talagang musika. O, ako naririnig ko, ang ganda!”
Nag-focus naman ang pangalawang anino.
Tiningnan pa niya ang mga ibon na marami sa paligid. Mabababa ang lipad. Malayang dumadapo sa mga malulusog na tanim. Sa mga damo.
Na-curious muna si Yawanaya sa mga creatures na ito.
Paano dumapo. Paano lumipad. Paano makipaghalikan sa kapwa ibon. Paano humalik sa mga bulaklak.
Ang curiousity niya ay pumunta na sa mga huni nito.
Iba-iba pala. At kapag talagang pinapakinggan mo nang husto, may mga tono pala.
Unti-unti, napapangiti si Yawanaya.
Si Alona naman ay nagha-hum habang umiimbay-imbay.
Hindi nagtagal at nakiki-hum na rin ang pangalawang anino.
Nakapikit pa silang pareho dahil ninanamnam ang mga awiting likha ng mga ibon sa bundok ng Kabanalan.
SI LUCIFEREO ay patuloy na inii-stalk ang babaing hindi nagpapatahimik sa kanya.
Ang babaing banal. Si Nanette.
Kapag nasa ospital si Nanette para dalawin ang mga grabe nang may sakit, tinatanaw niya ito.
Kunwari may dinadalaw din siyang pasyente.
Itutuloy
- Latest