^

Para Malibang

Pangalawang Anino (437)

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado - Pang-masa

ITO mismo ang naaalala ngayon ni Alona. Noong mapaiyak siya sa pasasalamat sa Diyos dahil gumaling ang nanay niya.

Nabangga ito ng traysikel at halos hindi na makalakad.

Pero nang magdasal siya, nakalakad na ito nang maayos.

Habang naaalala ni Alona ang pangyayaring iyon sa buhay niya at habang nakaluhod siya sa kanyang kulungan sa bundok na banal, nararamdaman na niya ang paniniwala at tapat na pagsamba sa totoong Diyos.

Naluha pa siya.

“Alam ko ang laki ng kasalanan ko sa Inyo. Alam ko na halimaw na ako ng demonyo. Pero merong kabataan ang buhay ko na konektado sa Inyo.  Kaya puwede ho bang huwag ninyo akong talikuran ngayon? Nagbabalik ho ako sa inyo, humihingi ng tawad. Hindi ko na ho kaya ang magkaganito. Bigyan ninyo ako ng pagkakataon, utang na loob!”

Katahimikan ng bundok na banal ang sumasagot sa pagmamakaawa ni Alona.

Patuloy siyang umiiyak at nakikiusap.

“Huwag lang ho nakakulong. Puwede ho ba na wala ako sa kulungan, malayang nakakalakad dito sa buong bundok na banal?”

Katahimikan pa rin.

Napaismid si Yawanaya. “Inay! Mommy! Huwag ka nang magpakumbabang ganyan! Tingnan mo nga, o! Di ka naman pinapakinggan!”

Pero parang walang naririnig si Alona.

Patuloy pa ring nakaluhod, umiiyak, nagmamakaawa.

“Buong puso akong nagpapakumbaba. Nagtitiwala uli sa Inyo. Patawarin N’yo na ako! Pakawalan N’yo na ako dito sa kulungan! Hayaan Ninyo akong mamasyal nang malaya sa bundok na banal. I promise, hindi ako tatakas! Hindi ko pa rin iiwan ang bundok na ito!”

Katahimikan pa rin.

Pero nabigla sila nang humangin nang napakalakas.

Umuga ang mga kulungan nina Alona at Yawanaya.

Napasigaw sina Alona at Yawanaya. Hindi maintindihan kung ano ang nangyayari.

At bigla na lang parang binayo ng napaka­lakas ang pinto ng kulu­ngan ni Alona.

Nasira ang pinto ng kulungan, winasak ng hangin.

Itutuloy

vuukle comment

PANGALAWANG ANINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with