^

Para Malibang

Pangalawang Anino (436)

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado - Pang-masa

SINUBUKAN ni Alonang alalahanin ang nakaraan, noong bata pa lamang siya.

Wala pa siyang mga gusto na material.

Hindi pa siya maru­nong umibig sa maling lalaki.

Masaya pa siya ka­pag isinasama ng Inay at Itay niya sa simbahan.  At pagkatapos ay kakain ng lugaw o kaya tsampurado sa tindahan sa kanto.

Walang nakakapagpasaya sa kanyang iba kundi makipaglaro sa kapwa bata.

Nagpapasalamat siya sa Diyos kapag siya ay nakakapulot ng mangga hinog man o hindi ... kinakain niya at nasasarapan siya.

Ang turo ng Inay niya kapag nabusog ay magpapasalamat sa Diyos. Lalo na kung hindi naman niya binili, nahulog lang mula sa puno ng kahoy at ni hindi nga niya inakyat.

Marunong na maru­nong siya noong magpa­salamat sa Diyos sa mga maliliit na bagay.

Tinuruan siya ng mga magulang kung paano magdasal ng pasasalamat.

“Diyos ko po, marami pong salamat dahil po binigyan ninyo ako ng masarap na masarap na mangga po. Sana po bigyan ninyo ako uli. May mahulog po sana uli na manggang hinog o kahit po manggang hilaw. Para po mahugasan ko, mabalatan at makain.”

Ganoon lang siya kasimple dati. Ganoon kabait nang hindi kailangang pilitin.

At naalala ni Alona kung paano ‘yung nanay niya nabangga ng traysikel at hindi makalakad.

Nagpagamot sa ospital pero nahihirapang magpagaling. Kasi hindi sila kumpleto sa gamot. Kasi halos walang pera.

Naaawa siya sa Inay niya, gusto niyang makalakad na ito at hindi na masasaktan.

Naisip niya hihilingin niya sa Diyos na pagali­ngin ang nanay niya. Kasi ganoon lang naman ang turo ng mga magulang niya, e.

Kapag may problema, pupunta sa simbahan at magdasal.

Kaya pumunta nga siya sa simbahan at nagdasal. Totoong-totoo iyung dasal niya. Umiiyak siya. Nagsusumbong siya sa Diyos ng hirap ng Inay niya sa sugat at pilay nito. Matagal siyang nagdasal sa simbahan. At kinabukasan bumalik na naman siya. At kinabukasan pa uli.

Araw-araw. At tan­dang-tanda ni Alona nang gumaling ang nanay niya, nakalakad na ito nang maayos na maayos. Napaiyak siya, naniwala siya sa Diyos.

Itutuloy

 

vuukle comment

PANGALAWANG ANINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with