^

Para Malibang

Pangalawang Anino (436)

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado - Pang-masa

MALIGAYA si Ya­wan. Paniwalang-paniwala na totoong si Arturo ang nasa kanyang harapan.

“Arturo, talaga bang hindi ka natatakot o nandidiri sa akin? Kahit tanggalin ko na itong talukbong ko at mga manggas ko?”

“Di  ba nakita ko na ang itsura mo? Bakit ka ba kasi nagtatago?”

Dahan-dahang tinanggal ni Yawan ang kanyang talukbong.

At tinanggal din ang sweater na mahaba ang mga manggas.

Kitang-kita ni Lucifereo kung gaano kapangit si Yawan.

Daig pa nito si Frankenstein.

Pero dahil nga utos ng ama niyang demonyo na paibigin niya muli ito, titiisin niya ang pandidiri.

“Para sa akin, ikaw ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa.”

Napaiyak sa sobrang kaligayahan si Yawan. “Dahil hindi panlabas na anyo ang nakikita mo. Kundi ang nasa puso ko, nasa isipan ko na wala ng mga masasamang thoughts.”

“Tama ka, Yawan. Ang puso ko ang nakatingin sa iyo ngayon. At dahil sa kagandahan ngayon ng iyong puso, ng iyong isipan ... ano pa ba ang makikita ko kundi ang sobrang kagandahan ng iyong mukha?”

“Arturo, mahal na mahal kita ...”

“Mahal na mahal din kita, Yawan.”

At pikit-matang hinalikan ng prinsepeng demonyo si Yawan.

Buong puso iyung ninanamnam ni Yawan.

Nakapikit pa ito.

Puro mura naman ang nasa isipan ni Lucifereo.

“Pwe, ang sangsang ng amoy ng mga sugat! May mga uod na yata ang mga bako-bakong pingas nito! Bakit ba ako pinaparusahan ng aking ama?”

BIGLANG-BIGLA pa rin si Nanette nang makita si Arturo.

“Kumusta ka na, Arturo?”

“Okay. Nagtatrabaho bilang engineer sa isang building sa Maynila.”

“Matagal kang hindi nagpakita sa akin, sinadya mo?”

“Oo. Dahil alam ko na mas importante kaysa akin ang iyong banal na tungkulin. Maraming-marami kang natulungan, mga taong biniktima ng mga kasamaan ng pangalawang anino, ni Yawan at ni Aling Alona. Paano ba kita aagawin sa kanila?”

“Hindi mo naman talaga ako aagawin. Hindi mo gagawin ‘yon. Pero salamat naman at muli tayong nagkita. Kahit bilang kaibigan na lang, espesyal ka sa akin.”

Itutuloy

vuukle comment

PANGALAWANG ANINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with