^

Para Malibang

Iniiyak ng OFW sa anak

BUHAY OFW - Pang-masa

Maraming overseas Filipino workers ang iniiwan ang kanilang misis at mga anak upang magtrabaho sa abroad kapalit ng mataas na suweldo.

Kadalasan ang iniiyak na reklamo ng OFW ay ang kakulangan ng atensyon na sukling ibinibigay ng mga anak. Bagama’t hindi nanghihingi ng kapalit ang OFW sa kanilang mga anak.

Ang nakalulungkot ay walang panahon na mag-text o mag-message ang mga anak na ang masaklap pa, madalas ay ayaw pa silang kausapin ng mga bata. Pero wala pa ring palyang nagpapadala ang mga magulang ng kanilang remittance upang patuloy na makapag-aral ang mga anak at maibigay ang kanilang pangangailangan.

Sa mga anak ng OFW, maaaring mayroon kayong suot na bagong sapatos o damit, may latest na gadgets, nag-aaral sa private school na may service, naka-air-condition ang class room, kumakain sa restaurant, at gumagala kasama ang inyong kaibigan;  pero hindi alam na ang kanilang mga magulang na OFW ay nagtitipid kumain, hindi makatulog, walang disenteng accommodation, at baon sa utang. Maibigay lang ang panga­ngailangan para sa mga anak at buong pamilya.

Suklian nawa ng mga anak ang kasipagan at sakripis-yo ng kanilang mga magulang na ginagawa  ng OFW para sa kanilang kinabukasan. Ibalik  sana ng mga anak ang pabor na gawing proud ang kanilang mga OFW na tatay at nanay.

vuukle comment

OFW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with