^

Para Malibang

Pangalawang Anino (392)

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado - Pang-masa

KUMUHA agad ng isang baso ng tubig si Ariel.

Ang pari naman ay alalang umupo sa kama ng unang anino. “Binangu­ngot ka ba, iha?”

“Opo. Niyayakap po ako ng ...”

“Ng ano?”

“Angela, inom ka muna ng tubig para luluwag ang paghinga mo.”

“Salamat, Ariel.” Naubos ni Angela ang tubig sa baso.

At parang hingal na hingal pa nang matapos.

“Saka ka lang magsalita pag okay ka na.”

“Ariel, bakit kaya gano’n ang napana­ginipan ko? First ko lang nananaginip, ang sama-sama pa! Nakakatakot! Niyakap ako ng isang may dalawang sungay, nakakapangilabot ang kanyang itsura.”

“Demonyo?”

“May korona siya, Ariel!”

“Hari ng mga demonyo? Father, ano’ng ibig sabihin po nito?”

“Ayokong sumagot na para bang sigurado ako. Isa lang akong pari, marami pang hindi alam.”

“Pero ngayon lang siya nanaginip sa tanang pagiging anino niya, Father. At demonyo pang may korona ang yumakap sa kanya!”

“Masyadong vivid, Angela? Parang totoo?”

Tumango ang unang anino, may luha sa mga mata. “ Oho, Father. At ang yakap po niya, ang init-init. Para pong apoy.”

“Magdasal na lang tayo dito ngayon din. Magsipag­luhod na tayo!”

“Opo, Father!” Nagmamadaling lumuhod si Ariel.

Halos kasabay niyang lumuhod ang pari.

Si Angela nanginginig pa rin ang buong katawan pero nakaluhod na. Sa panguguna ng pari taimtim silang nagdadasal.

NAPAIGTAD nang konti ang hari ng kadiliman.

“May mga nagdadasal ... apektado kayo?”

“Hindi ko nga inaasahan ito. Kapag si Nanette ang nagdadasal, sanay na ako, nararamdaman ko talaga, may sumasakit sa katawan ko.”

 “Pero panginoon, hindi naman yata si Nanette ang nagdadasal ... parang hindi lang sila iisa ... parang tatlo sila. Iyon ang pakiramdam ko.”

“Tama ka. Tatlo. Isang pari, isang lalaki at ang ... unang anino.”

“Sino sa tatlong ‘yon ang may epekto sa iyo? Ibig bang sabihin, isa sa kanila ay may konting kabanalan na?” - ITUTULOY

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with