Akitin ang Romance Luck
Kung Binata at laging Basted…
Ang bahay o kuwarto ng isang binata ay nangangailangan ng feminine energy para maka-attract ng magiging nobya. Paano? Magdispley ng picture ng mga bulaklak kagaya ng magnolia, peonies, orchids, at lotus flower na buo pa. Magdispley din ng mga larawan ng magandang babae na mukhang masaya kagaya ng kasamang larawan. Kung maaari ay nakangiti o nagtatawa. Ang isa pang ididispley sa salas o bedroom ay dalawang lampshade o dalawang vases.
Kung Dalagang walang Manliligaw…
Kailangan ng matingkad na kulay upang makaakit ng male energy ang kuwarto ng dalaga. Gumamit ng red color o anumang matingkad na kulay sa bedroom upang ma-activate ang love chi. Kapag lalabas, iwasang magsuot ng itim na bestida, sa halip red dress ang madalas mong iporma. Isa pang paraan ng pag-akit ng masculine energy ay pagdidispley sa salas ng dragon o kabayo.
- Latest