^

Para Malibang

Pangalawang Anino (390)

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado - Pang-masa

ANG pangalawang anino ay dinala ni Nanette sa banal na bundok. Naglakbay sila sa hangin. Nakalutang ang higanteng pangalawang anino na nakahiga.

Katabi si Nanette na nakadapo lamang ang kamay sa braso ng pangalawang anino at ito ay lumulutang na.

Nakarating sila sa ituktok ng banal na bundok na noon ay pinaghirapang akyatin ni Nanette noong ordinaryong nilalang pa lamang siya.

Ngayon na may banal na siyang kapangyarihan, madali na ang lahat.

NARARAMDAMAN naman ng halimaw pa ring si Alona ang pagdating nina Nanette.

Umungol ito nang napakalakas, galit na galit.

Nagwawala sa kanyang hindi matinag-tinag na hawla.

Matagal na niyang gustong lumaya pero wala siyang magawa. Hindi niya kaya ang natural na kapangyarihan ng Diyos sa banal na bundok.

Gutom na gutom na siya sa karne ng tao pero himalang hindi pa rin siya namamatay.

“AAAWWWWWRRRRRRR!” Umaalingaw­ngaw sa buong banal na bundok ang atungal ni Alona.

Kalmado lang si Nanette na ngayon ay lumalapag na sa banal na lupa. Ipinalulutang pa rin niya ang pangalawang anino na hindi pa rin tiyak kung buhay ba o patay.

Kahit wala itong vital signs, walang tibok ng puso, walang pulso ... hindi pa  rin sigurado si Nanette sa totoong physical state ng pangalawang anino.

Inilapag niya sa higaang bato ang pangalawang anino.

Natatanaw ito ni Alona.

Nakikilala pa rin niya ang pangalawang anino. Alam niyang kabahagi ito ng anak na si Yawan.

Lalong nagwawala ang halimaw.

Akala ay patay na ang pangalawang anino.

At gulat din dahil bakit naging higante na ito.

“AWWWRRRRR!” Nakakakilabot na daing ng masamang inang nagiging halimaw na.

Pero kalmado pa rin si Nanette.

Hindi na siya natitinag.

Nilapitan niya ang halimaw na ina.

“Kung magbabago ka kahit konti lang, baka may pag-asang si Yawanaya ay matulad kay Yawan na pingas-pingas man ang itsura, nabubuo naman ang kaluluwa.” - ITUTULOY

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with