^

Para Malibang

Pangalawang Anino (384)

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado - Pang-masa

NAKITA ni Nanette si Yawanaya.

Dilat ang mga mapupulang mata.

Parang wala nang buhay.

“Patay na ba siya, Nanette?” tanong ni Sheila.

“Hindi ho. Nakatulog lang. At hindi natin alam kung kailan magigising.”

“Bakit ganoon? Kapag napahamak siya, hindi siya namamatay. Nakakatulog lang.”

“Dahil hindi siya tulad ng tao, Inay. Anino lang siya. Maaring hindi ganap ang buhay at wala rin naman hong kamatayan.”

“Paano na siya ngayon? Dadalhin mo na naman sa simbahan?”

“Hindi na ho siguro. Hindi ho ba, sinira niya ang simbahan? Hindi rin naman niya naigalang.”

“Ano’ng gagawin mo sa kanya, Nanette? Mabuti at wala pang tao rito na nakasaksi sa pangalawang anino. Pero maya-maya lang, baka magkakaroon na. At pagkakaguluhan na si Yawanaya.”

“Gusto ko ho siyang dalhin sa banal na bundok.”

“Doon nakakulong si Alona, ‘di ba?” tanong ni Sheila.

“Oho. Hindi ho siya nakakaalis doon. At wala siyang nasasaktan o napapatay na tao.”

“Mabuti pa nga siguro dalhin mo na lang siya sa banal na bundok. Doon mo na lang ikulong. Pero paano, anak? May magagamit ka bang kapangyarihan para ang ganyan kalaking nilalang ay madadala mo doon?”

“Dasal lang ho, Taimtim na dasal. Iyon lang ho ang source ng kapangyarihan ko.”

SI Yawan ay nakakaramdam ng nangyayari kay Yawanaya.

“Natalo na naman siya ni Nanette. Nawalan ng diwa. Pero okay lang siguro ‘yon. Dahil marami na siyang napatay at nasaktan. Ayoko na siyang maging malupit.”

Panatag pa rin siya sa kabila ng nangyari sa kanyang kapwa anino.

 Nagpasyang mamas­yal-masyal sa dagat.

Nang may nakita ­ºsiyang isang lalaki doon na pamilyar na pamilyar sa kanya.

Pero hindi naman siya sigurado kung tama nga ang tingin niya. O kamukha lang?

Nahiya siyang lumapit dahil anino siya na pingas-pingas.

Kaya tumalikod siya kaagad. Pero nakita siya ng lalaki.

“Sandali lang! Sino ka? Ano ka? Para kang isang ... anino na nagkasira-sira ang itsura at katawan.” -  ITUTULOY

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with