^

Para Malibang

Pangalawang Anino (383)

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado - Pang-masa

PARANG nagda-dive ang higanteng pangalawang anino patungo kina Sheila at Roger.

Siguradong-sigurado na pagsayad niya sa lupa ay kawawa ang mga ito dahil kanyang kakainin.

Agad niyang pipisain ang mga ulo at sisipsipin. Ang mga katawan ay kanyang babaliin at lalamunin.

TSAKGGG!

Tunog ito ng pagbagsak at pagkabunggo ni Yawanaya sa protective circle nina Sheila at Roger.

Solid na solid ang pagtama ni Yawanaya. At hindi lamang para siyang bumangga sa mas matigas pa sa bato na pader.

Kundi daig pa niya ang nakoryente ng isang napakalakas na boltahe nang siya ay dumikit na sa protective circle.

Nangisay ang pangalawang anino, napatihaya sa lupa na ang mga mapupulang mata ay nawalan ng kulay.

Naging katulad na rin sa buong mukha at katawan, naging itim.

Nayanig naman sa loob ng protective circle sina Sheila at Roger.

“Roger!”

“May bumangga sa atin, Sheila! Pero hindi tayo nasaktan dahil nasa loob tayo ng circle na gawa ni Nanette. Circle na nagpoprotekta sa atin!”

“Nakikita ko siya! Hayun! Isang higante na pala si Yawanaya!”

 “At tingnan mo, patay na yata?”

“Imposible! Kampon ng demonyo ‘yan, hindi mada­ling mamatay! Hindi ba nang kasama siya sa bumagsak na eroplano, akala rin natin patay na siya? Pero nabuhay siya at naging mas mabangis na kampon ng demonyo!”

“Kailangan malaman ni Nanette ito! Tatawagan ko sa celfone ang ating anak. Wala pang nakakakitang ibang tao kay Yawanaya, pero si Nanette ... dapat siya ang ­unang makakita sa nangyari sa pangalawang aninong ‘yan!” NAKAUSAP nila ka­­a­­gad si Nanette. Na ng mga oras na iyon ay nagbibiyahe papunta kay Yawan.

“Salamat na lang, Inay at sa pamamagitan ng napakarami kong alay at dasal sa ating Diyos, nagawa kong ilagay kayo sa kanya-kanyang protective circle. Kaya kung inakala ni Yawanaya na dahil dalawa lang kayo ni Itay at wala kayong protective circle sa akin, kamalasan ho niya ‘yon. Kaya siya nagkakaganyan. Dahil hindi niya nalaman na hindi na limi­tado ang kapangyarihan ko pagda­ting sa pagpoprotekta sa inyo!” Itutuloy

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with