^

Para Malibang

Pangalawang Anino (381)

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado - Pang-masa

ANG magandang kakaibang ibon na si Yawanaya pala ay lumilipad, umiikot-ikot sa alam naman niyang bahay nina Nanette.

Umaga. Sama-samang aalis ng bahay sina Sheila, Roger at kanila pang dalawang anak na younger kay Nanette.

Sinusunod lang naman nila ang hiling ni Nanette. Na sama-sama sila dahil ang kaya lang ibigay ng babaing banal ay nag-iisang circle of protection sa kanilang lahat.

Papasok sa high school at kolehiyo ang dalawang kapatid ni Nanette.

Kaya ihahatid sila nina Sheila at Roger.

“Tena, mga anak. Sheila, huwag ka nang mag-alala. Kahit naman magkakahiwalay tayong apat kapag nasa loob na ng classroom ang mga bata, palagay ko ligtas sila doon sa loob kahit wala sa proteksiyon na bilog. Hindi naman basta susugod ang pangalawang anino kapag maraming tao.”

“Aywan ko ba, Roger. Natatakot pa rin ako. Iiwan pa naman natin sila dahil mamamalengke tayo at uuwi ng bahay para makapagluto. Nasa panganib ang mga anak natin habang dala natin ang circle of protection na bigay ni Nanette.”

“Sige, para mapanatag ka, kakausapin ko si Nanette. Na sa mga  bata na lang ibibigay ang circle of protection, hindi sa atin, kapag hindi naiiwasang nagkakahiwalay tayong apat.”

“Mabuti pa nga. Hindi baleng tayo ang manga­ nganib huwag lang sila.”

Hindi nila alam, nakatago ang higanteng anino sa isang pader ng iskwelahan at naririnig ang kanilang usapan.

Napangisi si Yawanaya.

“Okey, a. Kayong dalawa ang mamamatay ngayon. At kakainin ko. Sige, gawin n’yo na kaagad ang planong ‘yan. At nang mapadali ang pagkatay at pag-aalmusal ko sa inyo.” Sabi nito sa sarili.

Tinawagan ni Roger sa celfone si Nanette na ngayon ay nasa simbahan.

“Nanette, anak ... pasensya ka na. May gusto lang sana kaming sabihin ng Nanay mo sa iyo.”

“Ano po iyon?”

Sinabi ni Roger ang dapat sabihin.

Maya-maya ay masaya nang umalis sa iskwelahan ang mag-asawa. Pupunta na sila sa palengke.

Wala na silang dapat alalahanin ngayong naayos na ni Nanette ang tungkol sa circle or protection. At sinusundan na sila ng aninong itim, mas masaya ito, mas gutom. Itutuloy

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with