^

Para Malibang

Pangalawang Anino (377)

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado - Pang-masa

SA ARAW, tiwalang sama-samang lumalabas ang pamilya ni Nanette.

Mamamalengke si Sheila, kasama niya sina Roger at dalawang anak.

Papasok ang dalawang anak, kasama sina Sheila at Roger sa paghatid sa school.

Nagsisimba, sama-sama rin sila.

Nakasubaybay sa ka­nila ang pangalawang anino pero hindi makalapit. Naninikip ang hini­nga ni Yawanaya kapag lumalapit siya sa sama-samang mag-anak.

Nag-aalburuto si Yawanaya.

Nakatunghay sa isang punong-kahoy, pinagbabayo ito.

“Akala ko ba espesyal ako? Makapangyarihan ako kaysa kay Yawan? Eh, bakit di ko magalaw-galaw si Nanette at ang kanyang pamilya?”

Pisat ang mga punong-kahoy na pinagbabayo ng pangalawang anino.

“Nagugutom ako! Gus­to kong kumain ng maraming tao!”

Nag-abang siya ng puwedeng biktima.

Pero ramdam ni Nanette ang panganib para sa ibang tao kaya pumikit at nagdasal.

Nakabantay ang panga­lawang anino sa isang madilim na sulok, isa siyang higante sa dilim pero walang nakakakita dahil kakulay niya ng kadiliman.

May naglalakad na isang tao, napangisi si Ya­wanaya.

Natakam kaagad. Naisip na uunahin niyang dukutin ang puso at isusubo. Isusunod ang baga.

Ipapahuli niya ang mga bituka.

Dadakmain na sana niya ang naglalakad na tao nang matigilan siya.

Naninigas sa takot.

Dahil tingin niya ay si Nanette pala iyon.

Takbo ang pangalawang anino, palayo sa kanyang bibiktimahin sana.

Taka naman ang muntik nang mabiktima dahil may narinig siyang sumigaw.

“Si Nanette! AHHHHHH!”

Dismayado ang pa­nginoon ng kadiliman pati na rin si Tagapag-alaga.

“Hari ng kadiliman, ang pangalawang anino ay sobrang naduduwag!”

“Hindi ko akalaing magkakaganyan ...”

“Nabigo kayo?”

“Hindi ako madaling sumuko, Tagapag-alaga. May tiwala ako sa pa­ngalawang anino!”

“Pero bumahag ang buntot!”

“Huwag mo munang husgahan. Heto, ibibigay ko na sa kanya ang kakaibang kapangyarihan.”

ITUTULOY

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with