^

Para Malibang

Pangalawang Anino (376)

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado - Pang-masa

MATAPANG pa rin si Yawanaya kahit tumakas.

“Kung saan ka mahina, doon kita titirahin, Nanette. Kukunin ko ang buong pamilya mo!”

Pero alam din ito ni Nanette.

Nahulaan niyang ang kanyang pamilya ang pahihirapan ni Yawanaya para siya mapasuko.

Umalis siya, bumalik sa tahanan.

At kinausap ang mga magulang at kapatid.

“Dito lang muna kayo sa bahay. Kung lalabas, magsisimba lang. Kung may gagawin ang Inay tulad ng pamamalengke, magkakasama ang lahat.”

“Kung sama-sama ba kami ay ligtas kami sa pa­ngalawang anino, Nanette?” Tanong ni Sheila.

“Oho. Dahil bilang iisang pamilya, iisa rin ang inyong mga puso. Isasailalim ko kayo sa banal na proteksiyon.”

“Banal na proteksiyon, anak? Ano’ng ibig sabihin no’n?” Tanong ni Sheila.

“Para ko ho kayong ilalagay sa invisible na bilog. Walang makakalapit sa inyo para kayo ay saktan.          Kapag may nagtatangka, siya ang masasaktan.”

“Paano mo gagawin ‘yon, Nanette?”

“Espesyal na dasal lang ho, Itay. Hihilingin ko sa Diyos na ipapahiram niya sa akin ang kapangyarihan niya ng pagtatanggol.”

“May pananalig kami sa Diyos at sa iyo, Nanette. Kaya alam naming ligtas kami sa kalupitan ng pangalawang anino.”

“Magdadasal na ho tayo. Kasama ko kayo sa pagdadasal, sa paghiling sa Diyos ng heavenly protective circle.”

Nagsipagluhod ang buong mag-anak.

At sa pangunguna ni Nanette ay nagdadasal na sila nang buong taimtim sa tunay na Panginoon.

Si Yawanaya ay nagpapagaling ng mga kamay na tila nakoryente nang gusto niyang saktan si Nanette.

“Hindi ako susuko, Nanette. Alam ko, matatalo rin kita! Babalikan kita! Pero bago siguro ikaw, ang mga kapamilya mo muna ang sasaktan ko!”

ALAM ng panginoon ng kadiliman at ni Taga­pag-alaga ang lahat na takbo ng isip ng pangalawang anino.

“Mas matibay nga ang loob niya! Kahit nakur­yente, palaban pa rin!”

“Bibigyan ko na siya ng kapangyarihan na kakaiba, Tagapag-alaga.”

“Ano’ng kakaibang kapangyarihan ‘yon, dakilang panginoon?” - ITUTULOY

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with