^

Para Malibang

Bigfoot ng Pilipinas!

MRYOSO - Pang-masa

Kung ang Amerika ay may tinaguriang Bigfoot. May tinatawag naman tayong Amomongo rito sa Pilipinas. Ang pangalan ay nangangahulugan ding “gorilla” at ginagamit ng mga residente ng La Castellana, Negros Occidental para tawagin ang mailap na nilalang na naghasik ng lagim sa kanilang bayan ilang taon na ang nakalilipas.

Taong 2008, nang ata­kihin ng isang mabuhok na nilalang na may mahahabang kuko sina Elias Galvez at Salvador Aguilar, pawang residente ng Brgy. Sag-ang. Ayon sa medical records, nagtamo sila ng maraming galos at gasgas sa mukha, tiyan, at likuran. Sabi rin sa mga report, ang nasabing nilalang ay pinaniniwalaang may kagagawan sa pagkakamatay at gutay-gutay ng 50 manok at isang kambing bago pa ang insidente.

Ang Amomongo na inilalarawang puting unggoy na sinlaki ng tao at naninirahan sa kuweba. Ang kaso, walang chimpanzee o gorilla ang napatunayang native sa Pilipinas. Idagdag pa na ang huling albino gorilla na tinawag na “Snowflake” ay isang dekada na mula nang mamatay. Kaya ang sinasabing may albino gorilla na nagtatago sa Pilipinas ay may maliit na tsansa.

Totoo nga kaya ang Amo­mongo o isang kathang-isip lamang? Maaari rin sigurong isa ito sa pinakatatagong sikreto ni Inang Kalikasan.

Kayo na ang humusga.

vuukle comment

PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with