High Blood at Sex (5)
Totoong may panganib kapag nakikipag-sex ang taong high blood dahil may posibilidad na atakihin ito.
May mga gamot na talagang may sexual side effect na kailangang ikonsulta agad sa pinagkakatiwalaang doctor.
Kung high blood, hindi dapat basta-basta umiinom ang mga lalaki ng gamot para sa Erectile dysfunction drugs.
Kumonsulta muna sa pinagkakatiwalaang doctor.
May mga ED drugs na maaaring isabay sa gamot para sa high blood tulad ng sildenafil (Revatio, Viagra), vardenafil (Levitra, Staxyn), at tadalafil (Adcirca, Cialis).
Ngunit kung sasabayan ito ng nitrates, gamot para sa chest pain o kung emergency, maaaring maging sanhi ito ng pagbaba ng blood pressure.
Kaya ipinapayong maging maingat sa sabay-sabay na pag-inom ng kung anu-anong gamot.
(ITUTULOY) (SOURCE: http://www.mayoclinic.org)
- Latest