^

Para Malibang

Kakaibang Habit ng Aso

HAYUP SA GALING - Pang-masa

Nag-trending sa Facebook ang kwento ng isang Chinese na lalaki na nag-ampon ng isang labrador.

Mabilis na napamahal sa kanila ang nasabing aso dahil magiliw ito at palakaibigan.

Trinato rin nila itong pamilya at binigyan pa ng sariling higaan sa labas ng kanyang kwarto.

Pero napansin ng kanyang amo na may kakaibang ginagawa ang aso sa tuwing siya ay natutulog.

Lagi lang itong nakadungaw sa kanyang pintuan na may bakod na tila pinanonood ang kanyang pagtulog.

Naalarma ang amo dahil may dalawang linggo na hindi ito natutulog. Kaya dinala niya ito sa beterinaryo pero laking gulat niya nang malamang malusog naman ang kanyang alaga at walang sakit.

Dahil sa desperado siyang malaman kung bakit may kakaibang habit ang aso, nagpunta siya sa animal shelter at dito na nga niya nalaman ang kwento.

Noon kasing dalhin sa animal shelter ang aso ng dati nitong amo, natutulog ang aso kaya paggising niya ay nasa animal shelter na siya.

Ang ispekulasyon nila, natatakot ang aso na baka maulit ang ginawa ng dati niyang amo.

Simula noon ay magkatabi nang natutulog ang bagong mag-amo para mapanatag ang loob ng isa’t isa.

vuukle comment

CHINESE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with