^

Para Malibang

1964 Ford Mustang na Gawa sa Lego

- Pang-masa

Grabe na ‘to!

Kahit sino sigurong makakita ng isang life-sized na sasakyang gawa sa LEGO bricks ay matutuwa na parang isang bata. Ganito ang naramdaman ng mga nakakita sa 1964 Ford Mustang LEGO.

Bilang pagdiriwang sa ika-40 anibersaryo ng Mustang Club of America ay ginawan sila ng LEGO ng isang life-size model ng 1964 Ford Mustang. Idinispley ito sa MCA’s 40th Anniversary Celebration sa Indianapolis Motor Speedway.

Ang life-size model ng Ford Mustang ay binuo sa LEGO US headquarters sa Enfield, Connecticut. Marami muna itong destinasyong hinintuan bago dumating sa destinasyon para sa final display location, ang Ford Driving School attraction na matatagpuan sa Legoland Florida Resort.

May bigat ang nasabing Mustang Lego na 1,12 lbs. kung saan 960 lbs. nito ay mula sa LEGO bricks. Ang natitirang 752 lbs. naman ay mula sa bigat ng aluminum chassis na nagsilbing pundasyon ng sasakyan.

vuukle comment

LEGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with