^

Para Malibang

Higanteng Daliri Natagpuan sa Egypt

MRYOSO - Pang-masa

Sa isang artikulo na lumabas noong Marso 2012 sa German newspaper na BILD.de, ipinakita ni Gregor Sporri ang ilang larawan na kuha niya sa Egypt ng mummified na daliri umano ng isang higante.

Ang mga larawang ito ay unang naipakita sa publiko para na rin sa kaalaman ng kinaroroonan ng nasabing daliri. May haba ito 15 pulgada, at kung tunay nga ito ay pinaniniwalaang pagmamay-ari ito ng tao na may laking 16 talampakan!

Ang mga nasabing larawan ay kinunan sa pag­huhukay taong 1988 pa pero hindi isinapubliko. Ang masaklap lang ay hindi ito matatagpuan sa kahit ano’ng klase ng Egyptian museum. Taong 1988 nang makaengkwentro ni Gregor ang isang matandang lalaki mula sa “grave robber dynasty”. Ito ang mga taong eksperto na sa pagnanakaw sa mga libingan sa Egypt. Nagbayad muna si Gregor ng $300 para makita ang mummified na daliri at makuhanan ito ng mga larawan.

Taong 2009 ay bumalik si Gregor sa Egypt at sinubukang hanapin ang matanda para alamin pa ang maraming bagay tungkol sa nasabing daliri ngunit hindi na niya ito matagpuan. Magpahanggang sa ngayon ay walang makakumpirma kung totoo ang nasabing daliri. Tanging ang mga larawan lamang ang makapagsasabi ng ebidensya nito

Sa palagay n’yo totoo kayang may higante? Nakatulong kaya ang mga ito sa paggawa ng mga pyramid sa Egypt? Ang mga ito kaya ay anak ng mga extraterrestrial na nilalang?

Kayo na ang humusga.

vuukle comment

GERMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with