^

Para Malibang

Sa text lang inimbita sa kasal ang nanay

DEAR DJ Jacky G. - Pang-masa

Dear Vanezza,

Dati na kaming may away ng anak kong babae. Pero bigla ay nagti-text sa akin na iniimbita ako sa kanyang kasal sa susunod na buwan ng kanyang ka-live in. Hindi man lang ako pinuntahan para pormal silang humarap sa akin. Kutuwiran ko kung hindi niya ako susunduin ay hindi ako pupunta sa kasal niya. Pero pinapayuhan ako ng mga kaibigan ko na dumalo ako sa kasal ng anak ko. Katuwiran ko naman, kung hindi  naman niya ako tinuturing na ina ay magkalimutan na kami. – Margarita

Dear Margarita,

Malay mo naghihintay lang ang anak mo na sumagot ka sa text niya, saka siya haharap sa iyo kasama ng kanyang mapapangasawa. Maaaring naghahanap lamang siya ng tiyempo para kausapin ka. Bilang ina ay kailangan ka ng iyong anak na babae lalo na sa importanteng okasyon ng kanyang buhay. Hindi man kayo magkabati agad, ang importante alam niyang hindi mo siya pababayaan.

Sumasainyo,

Vanezza

vuukle comment

KASAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with