Respeto sa labanan
Kahit naman sino ay mahirap na tanggapin ang pagiging talunan sa lahat ng laban tulad ng sports, election, pagka-basted, at iba pang bagay.
Pero sa halip na magpokus sa kung ano ang nangyari, subukan na ibaling ang atensiyon kung paano babangon. Kung ano ang gagawin sa susunod na pagkakataon. Subukan na hayaan o let go ang mga bagay na hindi na kayang baguhin. Kundi gawin ang best na respetuhin ang sinuman o pangyayaring naging dahilan ng pagkatalo.
Natural na makaramdam ng galit at madismaya, pero tanungin ang sarili kung bakit nagagalit at anong gustong ma-achieve. Bago matanggap o makontrol ang iyong emosyon, kailangan munang maintindihan ang proseso ng pinagdaraanan. Para makalaya at isipin ang hakbang na puwedeng gawin sa susunod na laban.
- Latest