^

Para Malibang

Chinese opera singer 20 taong nagpanggap na babae para sa lalaking mahal

- Pang-masa

Grabe na ‘to! Isang lalaking Chinese opera singer ang nagpanggap na babae para mabihag niya ang sa isang empleyado ng French Embassy sa China.
Bunso sa tatlong magkakapatid, matalinong bata noon pa man si Shi Pei Pu. Natuto siyang magsalita ng French nang mag-aral sa University of Kunming. Sa edad na 17, isa na siyang kilalang actor/singer. Sa kanyang 20s naman ay nagsusulat na siya ng mga play tungkol sa mga manggagawa.

Nakilala niya sa isang Christmas party si Bernard Boursicot, isang accountant sa French Embassy sa Beijing. 27 taong gulang noon si Shi at 20 naman si Bernard. Babaeng opera singer ang pakilala ni Shi sa sarili. At kuwento nito ay pinagpapanggap lamang siya ng kanyang ama na isang lalaki dahil gusto ng lala­king anak ng kanilang ama. Hindi nagtagal ay nahulog ang loob ni Bernard kay Shi at sa galing ng huli na “itago” ang kanyang pagkalalaki ay nakumbinsi ang French na isa itong babae. Si Bernard ay walang karanasan sa babae at puro lalaki ang kanyang nakakatsugian sa kanilang eskwelahan kahit pa isa siyang straight. Kaya wala siyang ideya sa isang tunay na babae.

Sa dilim lang sila nag­tsutsugian at tumagal ang kanilang relasyon ng 20 taon bago nalaman ni Bernard na isa palang lalaki si Shi.

vuukle comment

CHINESE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with