Tuluy-tuloy at putul-putol na handwriting
May dalawang klase ng handwriting: Tuluy-tuloy (connected) at putul-putol (disconnected):
Connected Handwriting: Kabit-kabit at walang putol ang mga letra sa isang salita. Ang may-ari ng ganitong handwriting ay mapanuri, praktikal, organized, at makatotohanan lang ang mga pilosopiya sa buhay. May tendency na maging tactless sa pananalita.
Disconnected Handwriting: Napuputol ang ibang letra sa isang salita. Sa illustration, nakahiwalay ang “w” sa “with”; ang “i at n” sa “instruction”. Nagpapahayag ito ng pagiging mapagmasid, malakas kumutob o malakas ang pakiramdam. Minsan ay mapaghinala, moody, at mapag-isa.
- Latest