^

Para Malibang

Aswang Territory (142)

ASWANG TERRITORY - Gilda Olividado - Pang-masa

MASIGLANG binuksan ni Draz ang kanyang home-van at pumasok. Gamit ang remote control.

Naka-remote control din ang kanyang mo­dernong motorsiklo, digital ang pagtiyak na hindi ito mananakaw.

Kumuha agad ng apple sa kanyang mini-ref si Draz at habang kinakagat ito at nginunguya, ini-imagine niya ang halos perpekto nang kagandahan ni Avia.

Pero natigilan siya nang maalala ang nobyo nitong si Armani. Na pinagdududahan niyang siyang aswang.

Kaya lalo siyang nagagalit dito, e. Hindi madaling tanggapin na pag-aari ng isang aswang ang kauna-unahang babaing may napakalaki siyang paghanga.

At gusto niyang totohanin sa buhay. Kapag naagaw niya si Avia kay Armani, pakakasalan niya ito.

Magkakaanak sila ng tatlo … lima ni Avia.

At magiging happy sila habang-buhay. Peri kailangan munang mahuli niya in the act ang pagka-aswang ni Armani.

Iyung may gusto itong  biktimahin. O patayin.

Dahil may karapatan siyang barilin si Armani kapag caught in the act niya ito bilang aswang at nambibiktima.

Susubaybayan niya si Armani, babantayan niya bawat kilos nito.

Importanteng magiging kaibigan siya ni Avia at ng pamilya nito. Na makakadalaw din siya sa bahay nina Avia dahil nga ang alam din niya, bilang guest nina Avia, si Armani ay doon nakatira sa bahay ng dalaga.

PERO naunahan na pala ni Armani ang ganoong ideya ni Draz. Balak niyang mahanap ang home-van ni Draz dito sa lugar nina Avia.

Alam niyang naka-park ang home-van na iyon sa loob ng lugar na ito. Si Draz ay karibal, kaaway.

Kailangang tutok siya dito. Wala siyang balak muna na ipaalam kay Avia na susubaybayan niya ang misteryosong lalaki.

Baka kasi pigilan lang siya ng nobya para maiwasan ang away o sagupaan nila ni Draz.

Hindi siya natatakot kay Draz kahit pa kitang marami itong kakayahan. Na hindi ito ordinaryong tao.

Naglalakad na ngayon si Armani sa liblib na lugar nina Avia. Hapon pa lang, safe pa ang makarating kahit hanggang sa dulo.

Huwag lang siyang makarating sa lugar nina Simeon. Sabagay, malayo pa naman ‘yon. Itutuloy

vuukle comment

CALABARZON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with