^

Para Malibang

Para hindi ka lumagpas sa ‘friend zone’ (1)

Pang-masa

Sa totoo lang napakahirap mapanatiling maging magkaibigan ang lalaki at babae. Marahil hindi kasi ito ang tunay na relasyon na dinisenyo  sa lahi ni Eva at ni Adan. Kapag sinabi mo kasing kaibigan mo, tiyak na komportable kang kasama  siya. Kaya lang karamihan naman sa babae at lalaki ay hindi ganito, kumpara kung ang kasama ng isa’t isa ay kapwa nila babae o kapwa nila lalaki.  Dahil sa totoo lang kahit kaibigan mo ang isang opposite sex, mas ipinakikita mo pa  rin sa kanya ang best mo kaysa sa “worst” mo.

Isa pang dahilan bakit mahirap mapanatiling magkaibigan ang babae at ang lalaki ay dahil sa kaisipang ang babae ay pambahay lang na dapat nag-aasikaso ng lahat ng bagay sa loob nito, habang ang lalaki naman ang  siyang super hero na mabilis na nagbibigay solusyon sa mga bagay na hindi kayang gawin ng babae. Kaya naman noong unang panahon ay mahirap talagang maging magkaibigan ang babae at lalaki hindi gaya ngayon na may ilan na napapanatili ang ganitong relasyon sa pagitan nila. Kaya naman narito pa ang ilang hakbang kung paano mo  ilalagay ang iyong sarili para mapanatiling ang pagkakaibigan mo isang opposite sex.

Pag-aralan ang nararamdaman – Bago ka makipagkaibigan sa isang tao, may naiisip ka na tungkol sa kanyang pagkatao. Pag-aralan mo kung tunay na malinis ba ang intensiyon mo sa pagbibigay mo ng “friendship” sa kanya. Kung sa tingin mo ay pinapantasya mo siya at naiisip kung anong klaseng gf//bf ba siya at kung may gusto kaya siya sa’yo?  Dapat mong ihinto ang plano mong makipagkaibigan sa kanya, lalo na kung  hindi ka na “single” at may pananagutan na.

Malinaw na relasyon – May kasabihan sa Ingles  na “Fences make good neighbors.” Ang paglalagay ng hangganan o “boundaries” sa inyong relasyon ay makakabuti. Dapat alam mo kung ikaw ay lumalampas na sa boundary na inilagay niya sa inyong pagitan. Ito ay para maiwasan ninyong humantong sa mas malalim na relasyon ang inyong pagkakaibigan. Makakatulong din ito para mapanatili ang respeto sa isa’t isa.

 

vuukle comment

ACIRC

ADAN

ANG

BABAE

DAHIL

DAPAT

EVA

KAYA

KUNG

NBSP

PAG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with