^

Para Malibang

Island of the undead (19)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

SINA ENRIQUE AT SYLVIA BELMONTE, ang mga magulang ni Miley. Sina Raul at Carolyn Silva naman ang mga magulang ni Blizzard.

“Kung patay na ang mga anak natin sana lumutang na ang mga bangkay nila. Pero wala pang nakuha ang mga rescuers hanggang ngayon.” Lohikal na nag-isip si Enrique o Eking.

“Iyan din ang paniwala ko, panyero. Walang nakaligtas, mahigit isang daang bangkay na ang na-retrieve, nasaan ang mga anak natin?” Sumegunda naman si Raul.

“Buhay pa ang dalawa, magkasama. Magaga­ling na swimmers sina Miley at Blizzard. Champion swimmers sila mula elementary hanggang nitong first year college nila.” Panay ang iyak ni Sylvia.

Inalo naman siya ng matalik na kaibigang si Carolyn. “Sylvia, tigilan mo na ang pag-iyak. We need to pray more. Bukas, punta tayong Baclaran, okay?”

“Carolyn, kung nasaan man sila, kung napadpad man sila sa kung anong lugar ... ayokong isipin na nahihirapan sila. Walang makain, walang mainom na maayos na tubig ... daig pa ang impiyerno kung ganoon, Carolyn!”

“Eh, kaya nga magdasal lang tayo nang magdasal. Dahil kung hirap man sila ngayon, God will help them. God will change the situation.”

“At ang magagawa natin is to pool our resources so that we can create a rescue team na susuyod sa mga isla o iba pang lugar na posibleng doon napadpad ‘yung dalawa.” Very confident si Enrique na mahahanap pa rin ang dalawang kabataan.

“Mabuti na lang, napakalakas ng loob ni Miley.” Sabi ni Carolyn sabay buntong-hininga.

“O, bakit naman ganyan kang magsalita? Bakit ba si Blizzard, mahina?”

“I am very honest, Raul. Blizzard is such a good son. He is a winner. Pareho sila ni Miley na matalino, sports oriented, champion swimmer. Pero si Miley pa rin ang leader sa kanilang dalawa. Tagasunod lang si Blizzard. And I’m sure that Miley is not the kind who will easily give up.”

“Siguro naman mahal na mahal lang ng anak ninyo ang anak namin kaya he always follows Miley’s decision. It doesn’t mean na mahinang klase si Blizzard.

Mabuti na rin ‘yung may isa lang na nagli-lead at ang isa is a good follower para walang away. At effective sila as a team. Lalo na sa sitwasyon nila.”  Itutuloy

vuukle comment

ACIRC

ANG

CAROLYN SILVA

ENRIQUE

MGA

MILEY

PERO

RAUL

SILA

SINA RAUL

WALANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with