^

Para Malibang

Kung pagod si kuyaÉ

Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi lang mga babae ang nakakaranas ng sobrang depresyon. Gayundin ang mga lalaki. Sa pag-aaral lumalabas na mas nahihirapan ang mga lalaki na magdala ng depresyon kumpara sa mga kababaihan. Ito ay dahil karamihan sa mga lalaki ay hindi naman palasalita at naglalabas ng kanilang saloobin, hindi gaya ng mga babae na kayang magsalita kahit na kanino kaya agad na nailalabas ang kanilang emosyon. Kahit gaano pa kagaling magdala ng kanilang problema ang mga lalaki, kakikitaan pa rin sila ng mga sintomas na sila ay nakakaranas ng depresyon. Narito ang ilang senyales:

Sobra/kulang sa tulog – Ang mga taong may problema sa  kanilang emosyon, ay hindi balanse ang tulog. Minsan ay sobra, minsan naman ay kulang ka sa tulog at kahit naka-12-oras na tulog ka na, pakiramdam mo ay nanghihina ka pa rin dahil kada dalawang oras ay nagigising ka. Ang hindi pagkakatulog ay isang matibay na indikasyon na ikaw ay “emotio­nally disturb”.

Pananakit ng tiyan/likod – Ang pagkakaroon ng problema sa iyong tiyan gaya ng constipation o pagtatae, pananakit ng ulo at likod ay sen­yales din na mayroong depresyon. Pero, ang mga senyales   na ito ay hindi napapansin ng mga lalaki ayon sa National Institute of Mental Health.

Hindi makapag-concentrate – Kapag may depresyon ang tao, hindi niya kayang i-focus ang kanyang isip lalo na sa pagtatrabaho.  Dahil sa ganitong sitwasyon, tanging ang naiisip mo lang ay ang mga negatibong bagay sa iyong mundo. Ang utak ng tao ay gaya rin ng computer, pumapalya kapag napapasok ng virus.

Stress – Kapag nakakaramdam na ng sobrang stress, tiyak na ang kasunod nito ay depresyon, o depresyon patungong stress. Nadiskubre na ang mga taong bigo sa pag-ibig ay madaling makaramdam ng stress patungong depresyon.

vuukle comment

DAHIL

DEPRESYON

GAYUNDIN

KAPAG

NATIONAL INSTITUTE OF MENTAL HEALTH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with