^

Para Malibang

Autism

BODY PAX - Pang-masa

Napapansin mo ba ang iyong mahal sa buhay o kasamahan na parang may sarileng mundo na hindi maka-relate o makisalamuha sa ibang tao o kaya naman masyadong sensetibo sa ingay na dulot ng kapaligiran, hirap makapag salita at hirap maka-eye to eye contact? Malamang ang mahal o kasamahan natin sa buhay ay dumaranas ng autism. Ano nga ba ang autism? May roon bang gamutan para sa sakit na ito at anu-ano ang mga tamang gabay upang maintindihan natin ang mga mahal natin sa buhay na dumaranas ng sakit na ito? Naririto ang ilang mga impormasyon o kaalaman  ukol sa  sakit na ito na maaaring magmulat sa ating kaisipan sa ukol sa autism.

Ang autism ay isang neurological illness na may kaugnayan sa pag-unlad o paglaki ng isang tao lalo na sa kakayahan nitong makipag-usap at makisalamuha sa iba. Ang mga sintomas nito ay lumalabas sa unang limang taon ng isang bata.

Ano ang sanhi ng Autism?

Ayon sa pananaliksik ay nagsasabi na ang autism ay resulta ng isang sakit sa nervous system (neurological disorder) na nakaka-apekto sa trabaho ng utak. Ayon  sa mga pag-aaral maaaring minana o genetic ang karamdamang ito,  sanhi ng kombinasyon ng ilang mga genes.

Mayroon bang lunas para sa autism?

Mayroong iba’t ibang uri ng mga propesyonal na maaaring makatulong upang mapabuti ang komunikasyon, pakikipag-kapwa at pag-uugali ng batang may autism. Kabilang sa mga ito ang mga speech-language pathologist, occupational therapist, early interventionist, behavioural therapist at mga guro.

 

vuukle comment

ANO

AUTISM

AYON

KABILANG

MALAMANG

MAYROON

MAYROONG

NARIRITO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with