^

Pang Movies

Andrea del Rosario, emosyonal nang alalahanin ang sakit ng anak  

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Andrea del Rosario, emosyonal nang alalahanin ang sakit ng anak       
Andrea at Silva

Naging emotional si Andrea del Rosario nang mag-celebrate ng 13th birthday ang kanyang unica hija na si Bea noong nakaraang May 28.

Hindi raw kasi naging madali ang pinagdaanan ni Andrea noong isilang niya si Bea noong 2010 at may mga kumplikasyon na ito.

Bagong silang pa lang si Bea ay sumailalim na ito sa limang operasyon at sinabihan si Andrea na 50-50 ang chance na maka-survive ang kanyang anak dahil sa fragile condition nito.

Pero bilang ina, hindi raw sinukuan ni Andrea ang kanyang anak at naniniwala itong mabubuhay ito at makikita niya itong magdalaga.“It was such an emotional journey of survival para sa amin ni Bea. The thought of losing her noon would have been devasting, pero kumapit talaga ako kay Lord. I know that my baby will live and she will live a normal and healthy life,” sey ni Andrea.

Ngayon ay mother na si Andrea ng isang teenager at ramdam na raw niyang may sariling mundo na ang kanyang anak. “Bea is starting to have a world of her own. Medyo nalulungkot din ako kasi alam ko na one day, she will no longer tag along with me kasi may mga friend na siya. ‘Yung attraction sa opposite sex, it’s happening na and that is very normal sa age niya ngayon. I like her naman to be independent pero sana ‘yung communication namin as mother and daughter ay hindi mawala,” diin ni Andrea,

Kinumpara ni Andrea ang sarili niya kay Bea noong mag-13 siya. That time raw ay naghiwalay na ang parents niya kaya lumaki siya sa isang broken home. Ayaw raw niyang maramdaman iyon ng anak niya. “I always tell Bea that she will never be alone because she’s surrounded by so many people who loves her. She also grew up always praying at may positive ang outlook sa buhay. Gusto kong dalhin niya iyon hanggang sa pagtanda niya.”

Jennylyn, sinasanay ang anak na wala siya sa tabi

Nagsimula nang mag-taping si Jennylyn Mercado para sa naudlot niyang teleserye na Love. Die. Repeat with Xian Lim. Kaya nasasanay na raw itong mahiwalay muna sa kanyang bunsong si Dylan tuwing may taping siya.

Two years daw nag-focus si Jen sa kanyang pamilya kaya sa pagbalik niya ay ramdam niya ang malaking adjustment na kailangan niyang gawin.

“Kinakabahan ako katulad nilang lahat kasi para akong nagsisimula ulit. Nag-focus tayo sa pagiging mommy kay Dylan, nag-focus sa pagiging wife kay Dennis (Trillo). Pero nandyan ’yong co-artists ko, ‘yung production, nandyan sila Direk Irene (Villa­mor) para tulungan din akong i-motivate ’yong sarili ko na, ‘Kaya mo ’yan,’” sey ni Jen.

Kapag aalis daw siya for taping, hindi raw nagpapakita si Jen kay Baby Dylan para hindi ito umiyak.

Nasa kuwarto lang daw ito kapag paalis na siya. Gusto rin daw niyang masanay ang anak na wala siya sa tabi nito. “Kapag wala naman akong work, magkasama kami buong araw,” paliwanag pa ni Jen.

Oscar winner Cuba Gooding Jr., nakipag-areglo sa babaeng nagdemanda ng rape

Hindi na pinaabot sa higher court ang rape trial ng Oscar winner na si Cuba Gooding Jr. dahil nakipag-settle na ito sa babaeng nagsampa ng kaso.
Ilang minuto bago magsimula sana ang civil trial sa New York, in-announce na “trial off” dahil nagkipag-ayos na ang kampo ng aktor sa biktima.

Sinampahan ng kasong rape si Cuba noong 2013 ng isang unnamed woman. Twice raw siyang ginahasa ng aktor sa isang hotel sa New York City.

Noong 2020, nag-file for jury trial ang biktima “seeking an unspecified amount of compensatory and punitive damages.”

Noong 2019 naman, kinasuhan ng sexual harassment ang aktor dahil sa ginawa niyang panghihipo sa isang babae sa isang resto-bar sa New York.

Nag-plead guilty siya at pumayag siya sa plea settlement para hindi siya makulong. Six months siyang sumailalim sa alcohol and behavior modification treatment.

vuukle comment

ANDREA DEL ROSARIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with