^

Pang Movies

‘Di sasama sa TVJ?!

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pang-masa

May nagtatanong, bakit daw ganoon ang post ni Alden Richards kahapon, kasi iyong picture magkatalikod sila ni Vic Sotto, ibig daw bang sabihin noon ay hindi pabor si Alden sa naging desisyon ng TVJ na umalis na sa Tape Inc.?

Natural lang naman kung maging ganoon ang opinyon ni Alden, hindi naman siya artista ng TAPE Inc., o taga-Eat Bulaga talaga. Siya ay isang artist ng GMA, kaya kung lumayas man ang TVJ, hindi siya maaaring sumama gustuhin man niya.

Mabilis namang nagsalita ang ilang matatalino, hindi raw ba natatandaan ni Alden na kaya naman siya sumikat nang ganyan ay dahil sa Eat Bulaga?

Hindi naman siguro niya maikakaila iyon, dumating ang isang pagkakataon na hindi na alam ng GMA 7 kung ano ang gagawin sa kanya para umangat ang kanyang career, ipinahiram siya sa Eat Bulaga. Nagkataon na namang noon, pumasok si Maine Mendoza na ginawa nilang yaya ni Lola Nidora. Medyo kikay na yaya si Maine, nag-click iyong character. Bigla silang nagkatambal ni Alden at nabuo nga ang AlDub, doon sila sumikat pareho, iyon din ang nagdala sa Eat Bulaga sa mas mataas na level.

Noong kasikatan ng AlDub, parang wala nang ibang TV show kundi Eat Bulaga.

Actually sumikat si Alden pero nabatak din naman nila pataas ni Maine ang Eat Bulaga.

Hindi natin maide-deny na maaapektuhan din ang popularidad ni Alden. Wala na siyang matatakbuhang malakas na noontime show.

Iyon namang ginawa niyang mga serye, walang malakas. Kaya nga nasingitan pa sila ni Gabby Concepcion eh. Buti na lang mataas ang talent fee ni Gabby kaya hindi makagawa ng sunud-sunod na serye, kung hindi, wala na silang lahat diyan.

Samantala, malakas ang tsismis na mapapanood daw ang Dabarkads, lahat sila, at ang hindi lang sigurado ay kung magagamit nga nila ang title na Eat Bulaga na sinasabi nilang sa kanila sa TV5.

Nababanggit na naman ang Brightlight Productions, pero ang sinasabi mukhang sa TV5 naman diretso ang mga usapan.

Kung totoo iyan, saan matatapon si Vice Ganda? o It’s Showtime.

Hindi kami naniniwala na tatanggap ng offer ang grupo kung hindi rin lang noontime slot. Bakit sila lilipat ng oras eh nahawakan na nila ang audience sa oras na iyon.

Ang tsismis ilalabas pa rin daw sa TV5 ang Showtime, pero ilalagay sila bago ang frontline. Malamang sila na rin ang gagawing pre-programming ng TV Patrol sa Kapamilya Channel.

Male starlet, P10k ang singil kada raket

Nagkakabulgaran na, kung maningil daw pala ang male starlet sa mga nakaka-date niyang bading ay P10K, o kaya ay higit pa basta mabobola niya ang bading.

May isang BI na nagsabing noong araw raw na hindi pa iyan masyadong napapansin sa social media, nahahagip nila sa mga 5 hanggang 8K lang.

Pero siyempre sumisikat eh, tumataas ang presyo. Kaya nga nag-artista iyan para tumaas ang presyo eh, kasi masasabi na niyang “artist” siya kahit wala pa namang nagagawang project.

Sinubukan din niyang sumali noon sa isang contest ng Eat Bulaga pero eliminated bago ang finals. May hitsura naman pero kulang ang talent.

Talaga nga sigurong hanggang sideline na lang siya, pero hindi rin tatagal iyan, malalaos din iyan sa sideline kasi “wala namang maipagmamalaki. Ano iyon P10K para sa three inches,” sabi ng isang bading na may hawak daw na ebidensiya. Mga pic daw at video pa.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with