^

Pang Movies

Andre at non-showbiz GF, ikakasal na?!  

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Andre at non-showbiz GF, ikakasal na?!           
Andre at GF

Ikakasal na nga ba si Andre Paras sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Honey Escarez?

Ito ang tanong ng maraming netizen noong makita ang pinost ni Andre na photoshoot nila ni Honey sa social media.

Para raw kasing pre-nuptial photoshoot iyon ng dalawa.

Tapos ay sobrang sweet pa ang dalawa kaya sino naman daw ang hindi mag-iisip na baka nga malapit na silang ikasal.

Maraming celebrity friends ang pinusuan ang post na ito ni Andre, kabilang na rito ay ang kanyang ina na si Jackie Forster.

Kung tutuusin ay 27 years old na si Andre at mukhang ready na itong mag-asawa. Sa showbiz ay wala namang ka-loveteam si Andre at kahit na nasa teleserye siya na Abot Kamay Na Pangarap, kinukuha rin siyang sports panelist ng NCAA.

Matagal na sinikreto ng aktor ang kanyang karelasyon at last month lang niya ipinakilala si Honey na isang swimmer sa University of Santo Tomas.

Ruby, naging casualty ng EB!

Kabilang si Ruby Rodriguez na nalungkot nang makarating sa kanya ang nangyari sa Eat Bulaga.

Naging bahagi si Ruby ng Eat Bulaga noong 1991 at pinost niya sa Instagram ang ilang throwback photos na kasama niya ang EB Dabarkads through the years.

Special mention ni Ruby si Pauleen Luna na naging best friend niya sa EB. Siya rin ang tumayong Maid of Honor ni Pauleen noong kinasal ito kay Vic Sotto noong 2016.

Isa si Ruby sa naging unang casualties ng EB noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic. Hindi na raw siya pinabalik sa show after niyang humingi ng LOA (Leave of Absence) noong 2021 para mapuntahan ang anak na maysakit sa Amerika.

Noong hindi matuloy na umalis si Ruby, gusto raw niyang bumalik sa EB pero hindi na raw siya tinawagan. Na-hurt si Ruby dahil hindi raw siya nakapagpaalam nang maayos sa kanyang EB family.

Nagtatrabaho si Ruby bilang consulate sa Philippine Embassy sa Los Angeles, California.

vuukle comment

ANDRE PARAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with